Ay! So this is the ganap. It's been more than two weeks since my last post. Wala kasi akong maisip ma i post. Isinumpa ko pa naman sa biyak na bato na ginawang sangkalan na updated itong blog na ito, kaya eto, may mai post lang ang peg. Inisip ko magsulat ng something about semana santa, pero naisip ko kulang pa ang aking mastery of the subject. Ganurn! :) Speaking of semana santa, eto yung pangalawang pinaka ayaw ko na okasyon noong bata pa ako, unang ayaw ko yung piyesta (hanggang ngayon ayaw ko pa rin). Baket? Kasi walang palabas sa tv, bawal kumain ng friend chicken at hotdog, bawal maligo pag Biyernes Santo, at higit sa lahat bawal daw tumawa. Yung fiesta naman, ayaw ko kasi ang daming lasing na nagkalat sa kalye. At least ngayon medyo naiba na ang takbo ng panahon, meron ng palabas sa tv, hindi na masyadong tahimik ang buong barangay, at hindi naman pala talaga bawal kumain ng hotdog at fried chicken. Ah, yung piyesta? Mas marami ang lasing, may bonus pang mga adik at snatchers!
At dahil last day of work, vacation mode on na ako dito sa office. Sana nga eh, kaso hindi, may nang stress bigla! Ambowt! Naka line up na lahat ng libro na babasahin ko, nakalista na rin sa utak ko yung staycation plan namin ng asawa ko, nakahanda na ang mga labada, nakabalandra na ang mga kalat na lilinisin, at ang all-time classic na libangan na walang hanggang movie marathon pag wala na talagang magawa. Siguro naman sapat na ang apat na araw dyan!
Happy long weekend and have a very blessed vacation slash staycation to all! :)
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and I love you for your comment!