Showing posts with label Tagalog Posts. Show all posts
Showing posts with label Tagalog Posts. Show all posts

Tuesday, March 27, 2018

When Half My Body Is On Bakasyon Mode


Malapit na!!!! Konting tulog na lang, bakasyon na! Marami nakong oras para matulog! Charott! That’s charott with a double T! Hahaha!

Excited and lola! Sino bang hindi ma eexcite, ilang araw walang trabaho, pero may bayad! Tapos na rin ang school ko, akalain ko bang naka 15 units natapos ko ng ganun lang!  33 units down to my MBA degree! Teka ano ba gagawin ko pagkatapos ko sa MBA? Ay saka ko nayan iispin. Compre at thesis muna kahit malayo pa! Ahahahah!

Teka dapat kausap ko sarili ko, blog ko to! Ay hindi tama, ang kausap ko kunyari dito ay yung best friend ko na nag iisang nagbabasa ng blog ko!

Masaya lang ako kasi malapit na ang April. April fools day, araw ng magiting, summer, mainit, halo halo, mais con yelo, saka ice candy! Sugar rush! Kebs kung magalit na naman ang skin ko sa tamis! Ang hirap ng sensitive skin, pati pala mga mahirap tinatablan nito. Kala ko pang mayaman lang ang sensitive skin. Buti na maraming products na afford ng mga tulad kong pobre with sensitive skin.

So sa darating na bakasyon, hindi naman talaga ako magbabakasyon. Walang budget ang kagandahan ko at beach body ko. Sayang yung mga two-piece bikini ko, pero dyan lang sila dahil magagamit ko rin sila. Mag tu-tupiss ako habang naglalaba at naglilinis ng banyo.

Staycation goals:

1.       1Tapusin i marathon lahat ng K drama na nakasave sa hard drive ko. Pati narin lahat ng movies dun na hindi ko pa napanood.

2.      2.  Mag de clutter. Dami ko pang kalat sa bahay. Na inspire ako sa mga Japanese style of minimalism so I might as well incorporate this in my personal life.

3.      3.  Ano pa ba? Gumala? Ewan! Pero kung libre or mura lang, sige gora sa gala. Pag may magyaya!

4.       4. Food trip! Bakit ito nasa number 4 dapat una to?

5.      5.   Magbasa ng fiction. Dahil pahinga ang beauty ko sa mga research sa school chenez samantalahin kong magbasa ng mga cheezy romance at anything fiction. Need ko rin matuto mag speed reading.

6.      6.  Wala na kong maisip. Tama na siguro yan.

7.       7.  Sinabi ng tama na eh!

8.      Sorry  nag o automatic kasi yung numbering eh (naka Word po kasi to) hihihi!

Sa totoo lang gusto kong magbabad sa tubig dagat suot ang pinaka sexy kong swimsuit (nasa department store pa) habang ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa aking balat. Mga alon na humahampas sa aking paanan, habang ako ay naglalakad sa dalampasigan. Tatanawin ang bakas ng bawat yapak, habang binubura ng alon kasama ng aking mga pangarap...

Teka, bruha ka, wala kang budget pang dagat. Throwback na lang muna, hahahaha!



Tuesday, November 14, 2017

Wala.

Them:  "Ilan na anak mo?"
Me:      "Wala"
Them:   "Ay bakit wala?"
Me:      "............."



Sana na natigil na lang dun sa "wala". Ang hirap kasing mag paliwanag dun sa follow up question na "bakit" kasi hindi ko alam kung sigurado ako sa isasagot ko, o kung tama ba yung sasabihin ko na maiintindihan ng kausap  at matanggap nya ang paliwanag ko at matigil na sa topic na yan ang usapan. Nung mga unang taon ng buhay may asawa ko, ang tanong kung may anak na ba ako. Ngayon kung ilan na daw ang anak ko.



Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanong kung bakit. Hindi ko na rin maalala kung ano yung mga nasagot ko. Basta natandaan ko lang yung tumahimik lang ako, o ngumiti na lang ako kasi hindi naman na mahalagang i record ko pa sa isip ko yung mga nasabi ko.

Dun sa mga nagtanong sakin kung meron ba akong anak, at sinagot ko ng wala, at hindi na nag tanong ng "bakit" gusto ko silang yakapin. Kesehodang na feel nila ako o hindi sila interesado, sa mga sandaling iyon, napa bulong ako ng maiksing panalangin na sana lahat ng tao tulad nila. Natanggap na lang nila na wala. Wala pa or wala talaga. Hindi na mahalaga sa kanila. Kasi tao din naman ako, babae, at hindi iba sa karamihan.

Ang hirap. Walang salitang kayang makapagpaliwanag ng nararamdaman ko. Hindi rin ito maiintindihan ng karamihan lalo na ng mga babaeng hindi dumaan sa ganito. Lalo na ng mga taong hindi bukas ang isip na hindi lahat ng bagay ay nangyayari lang ng ayon sa gusto nila o yung pangkaraniwang na sa lahat. Hindi ganun eh. Minsan may mga tao na naiiba ang landas na tinatahak. Pinili nila o hindi. Hindi lahat ng buhay ng tao pare pareho. Hindi lahat ng babae pinanganak ng may perpektong matris. At kahit ayaw nilang maniwala hindi lahat ng babae ginustong magluwal ng tao sa mundong ito.

Pero ganun pa man, gusto ko pa ring sagutin yung tanong nila sa paraang tatanggapin nila at maiintindihan. Kaya lang hindi ko alam kung paano. Bago pa kasi ako maka isip ng salita, bago pa ito mabuo sa mga bibig ko, nauuna na makaramdam ng sakit, lungkot, pagluluksa, galit at pagkalito ang buong katawan ko. Lahat yan, sabay sabay na mararamdaman ko habang pina process ng isip ko yung gusto kong ipahiwating sa tanong na ito.

Sa mga pagkakataong sumasagot ako ng "wala po eh" sa mga tanong na "bakit", alam ba nilang mas masakit yung mga unsolicited na payo at mga side comments:

"Hindi buo ang pamilya pag walang anak"
"Bilis bilisan nyo, napag iiwanan na kayo!"
"Try nyo yung ganitong position!"
" Sumayaw kayo sa Obando!"
"Uminom kayo ng ganito, at kumain ng ganito, 3x a day!"
"Pahilot ka kay Mang Kepweng, magaling yan!"
"Mag ampon kaya kayo!"

At isang libong version ng ganito: "Ah dadating din yan, si kapatid ng hipag ng kapitbahay ng pinsan ng empleyado ng barangay, after 14 years nag ka anak din, kaya wag ka mawawalan ng pag asa!"

At kasabay ng mga sandaling ito,sa isang sulok ng puso ko, hinihiling ko na lang na kainin ako ng lupa, o kaya biglang lumindol para makaligtas sa napa ka uncomfortable na sitwasyon na ito.

Bakit ba ganun? Kahit ano, wag lang wala.

Dahil akala nila wala akong problema? Maraming pera, walang stress at puro sarili lang ang iniisip. Dahil gusto nila maranasan ko din yung mga hirap nila kaya ayaw nilang magtapos na lang sa wala? Mahirap din yung wala. Yung tuwing magbubukas ka ng Facebook makikita mo yung pangarap mo napakadaling nangyayari sa lahat, tapos ikaw parang pinagdadamutan ng tadhana. Yung sa lahat ng okasyon sa bawat buwan ng taon, ipapaalala sayo na may kulang sa buhay mo, hindi ka kumpleto, walang kang ambag sa lipunang ito hanggang hindi ka nagsisilang ng buhay sa mundo. Hindi man nila sinasabi pero iyon ang mensahe. Kaya ba ayaw nila sa sagot na "wala"?

Wala naman na akong magagawa. Sa ganang akin, alam kong hindi ganun. Ayokong maniwala na ang buhay ng isang babae ay bibigyang kahulugan ng reproductive organs nya, o ng desisyon nya sa buhay na magka anak.  At sa mga taong tanggap ako sa kabila ng aking kawalan, mahal pa rin nila ko, salamat sa inyo. Mahal ko rin kayo ng dalawa at kalahating beses. Salamat sa malawak ninyong pang unawa at mabuti ninyong puso.

Sa ngayon, pagpasensyahan nyo na lang kung hindi ko sinasagot ang tanong nyong bakit. Bahala na kayong magbigay ng dahilan at hanggang maari sa sarili nyo na lang. Sa akin, hindi na man na iyon mahalaga...




Thursday, August 31, 2017

Ano ang Meron sa Miniso

Ilang araw na lang papasok na ang Ber months, eto mabigat pa rin ang puso ko! Charot! Pero bago ko isipin ang ber months, let’s stay in August. August pa naman! So, ang ganap – na curious ako sa Miniso. Nakikita ko lang to sa mga blogs, sa mga make up bloggers in particular, at nagkataon naman na may Miniso na dito sa SM Masinag. Kakabukas lang nito mga bes kaya sariwang sariwa pa ang tindahan! Mabango pa at amoy bago ang lahat!

Pag kita ko palang ng entrance nakyutan na ako. Well lighted ang store looking from the outside. Sana lang LED lights ang gamit nila para environment friendly. Napa isip din ako, hmmm..mukhang Japan 88 at Daiso ang kamag anak nito. So hindi na ako nag atubili. Pinasok ko ang tindahan to satisfy my curiosity.

First impressions – cuteness overload! Bakit nga ba everything about Japan is cute? Hindi ko ma explain pero habang nag iikot ikot ako sa loob, halos maduling ang mata ko hindi alam kung saan una titingin. Ang gaganda ng mga anek anek dito. Ang sarap hawakan at damahin lahat! Napaka ganda talaga ng Japanese art. Simple pero....rock?! :)


Kapag alam mong made in Japan, magdududa ka ba sa quality? Sympre hindi. Japan eh! Sinampolan kong tingnan ang isa sa mga bagay sa loob at kahit hirap ang mata ko na basahin yung maliliit na sulat tiningnan ko talaga kung made in Japan. Oo made in Japan nga daw nakalagay. Wala lang, baka kasi may naligaw na made in China. Hindi sa sinasabi ko na panget mga made in China ha, wala ko sinabi na ganyan, ang sinasabi ko lang basta made in Japan, Japanese, pag made in China – eh di------ Chinese!! Hahaha!


So nag ikot pa ko sa store, kahit wala naman talagang planong bumili. Making sure na lahat ng kanto at aisles madadaanan ko. Halos lahat cute at maganda. Ang pinaka mura ay tag 99 pesos, not bad ha! Mag eenjoy ang buong pamilya mag ikot ikot (at sympre bumili din kayo ha) dito kasi may pambata like toys, tuwang tuwa ako dun sa Minions na stuffed toys, may pang mothers like kitchen chenez, may para kay Daddy na mga tools ekeks, at make ups at pampa beauty na magugustuhan ni ate! Teka, may mga items din para sa mga techie!

Osha! Di ko na  masyadong hahabaan at dadamihan ng pictures tong post nato. Baka maumay kayo, wala naman kwenta, wala din naman akong readers, hihihi!

Though super ganda ng things from Japan, wag parin kalimutan na tangkilikin ang sariling atin! Cheers!

xoxo,
Claire

Thursday, July 13, 2017

Lafang All We Can! Inday and Dodong's Viking's Experience

Dahil birthday ko, sinamantala na namin ni Dudung ang birthday promo ng Viking's na matagal ko nang plano pero di natuloy tuloy, ewan ko ba, pero this year natuloy na! One week bago ang aking special day, pina reserve ko na ang romantic table for two sa SM Marikina branch, ganun ako ka atat! Mahirap na maubusan, isang taon na naman ang aantayin ko, tumatanda nako hahaha!

Third time ko sa Viking's, yung first and second parehong libre lang,  at first time naman ni Dudung, so may konting briefing at tip ako sa kanya na hindi kami kakain ng madami bago ang lafangan, kaya lang hindi nakinig ang Dudung, kumain pa din ng rice. Kebs lang ako! Hanggang sa dumating na ang sandali na naka overwhelm ng aking sikmura!


Photo above: Upon entrace, itey ang bubungad. Ang shala ng place. Sosyal na ito para sa inday na tulad ko. Habang kumakalam ang aking sikmura at lumuluwa ang mga mata ko sa pagtingin tingin kung ano ba una kong kakainin, natuwa naman ako sa lighting effect ng place, at ang furnitures na kung pwede lang ilagay sa bag ko baka nagawa ko na. Ang taray ng ambiance. Happy ang Inday!


Would you believe na gulay ang una kong dinampot? Why o why? Nabasa ko kasi yung title, tapos naalala ko yung movie tungkol sa ambisyosong daga kaya ayan na curious ako sa lasa ng pagkaing may nakaka confuse na spelling at mahirap i pronounce. Ratatouille.  In fairness pag aaralan ko lutuin yan. Pasensya na nga pala sa malabong pic ;D 


Una ko ring pinuntahan itong  carving, dahil cheatday/birthday sige na sagarin ko na sarili ko sa laman ng sangkahayupan. Photo above ay si kuya sa Carving Station na may pagka suplado. Gusto ko lang naman ng roasted turkey, ewan koba sour face binigay nya sakin. Ayan di ko tinakpan mukha nya sa picture, bahala ka!!!! Bwahahahah!


I must admit na hindi na ako ganun katakaw. Noong bata pa ako kaya kong kumain hanggang tatlong rice sa mang inasal, pero dahil tumatanda, nagbabago ang lahat, at hindi na rin talaga ako pang buffet. So dapat sulitin ko ang mga kakainin ko.


Picture above is the shalang Sushi station. Napaisip ako medyo malaking space ang kinain nya, ganun ba kahilig mga Pinoy sa Japanese? Guys, hindi ako kumain ng anything galing dito dahil di ko talaga trip ang sushi. Nagandahan lang talaga ako sa mga ilaw kaya panay ang lingon ko tuwing dadaan ako dito. Hindi akma ang binalot na ewan sa kanin sa panglasa ni Inday!!! Hahahaha!


Mahilig ako sa soup, pero ewan ko ba bakit di ko naisipan kumuha kahit konti. Dahil siguro mas na tempt ako mag mirror selfie kasama ng mga crush kong ilaw dito sa side na ito, at ngayon ko lang napagtanto at medyo nagsisi ako na hindi ako nag soup. Well, there's no sense in crying over the missed soup...


Eto naman ang drinks station. One tip na natutunan ko from "buffet experts" wag daw panay ang inom para di ka mabusog agad. Pero ang sasarap ng mga drinks nila. Ganun pa man, sinunod ko yung tip, sympre gusto ko masulit ang bayad namin kaya pinigilan ko ang urge na tikman lahat sila lalo na yung beer.


Winner ang baked oysters, kaya lang ang nakaka disappoint ay ang medyo matagal silang mag refill. At pagka refill na ubos kaagad sa isang plato lang. Nakakasama ng loob ha, yung feeling na gustong gusto mo yung food pero pakiramdam mo pinagdadamot sayo??


This is heaven on this side of the earth! Joke lang, dessert station yan! Hahaha! Medyo nalungkot din ako ng konti kasi parang hindi na kasingdami ng dati yung sweets na pwede mong pagpilian. Na sad ako kasi walang creme brulee at hindi ko na pinansin yung leche flan. By this time, busog na rin ako pero yung puso ko tumitibok sa mga pagkain nato. Na inlove nga pala ako dun sa avocado na may cheesecake, ang sarap, as usual nalimutan ko yung pangalan at apelyido! :D



Gusto ko pa sanang tikman lahat ng nakikita ko kaya lang hindi na talaga kaya ng sikmura ko. Yung feeling na yun gusto pa ng bibig mo? Minsan kasi talaga sa buhay may mga bagay na hindi na dapat pinipilit dahil hindi na dapat. Dapat tayo makuntento sa tama lang, hind yung porke vulnerable ang paligid sasamantalahin mo. ;p

Nahahalata nyo na malamang yung matindi kong pagnanasa dun sa ilaw ;p. Anyway, sa laki ng place medyo hindi ko lang feel yung mga area ng table for two kasi medyo dikit dikit. Of course intindihin natin na this is business at kelangan nila i maximize ang space para maka accomodate ng maraming customers para mabawi naman nila ang kanila operating expenses. Need din nila sympre na na mag take advantage na paliitin ang variable expenses para naman hindi lumiit ang kanilang contribution margin para naman kahit hindi peak season maka break-even man lang sila na mas okay kesa loss. Pag masaya ang negosyo, mas masaya ang BIR! Hahaha!


Balik ako dun sa dikit dikit na table for two. In my opinion, hindi masyado ideal place ang Vikings kung doon kayo magliligawan ha, matao at medyo maingay ang lugar, pang food trip ng pamilya at barkada talaga! Pero kung gusto nyo doon mag date hindi ko kayo pipigilan!

Teka, mahaba na masyado itong post ko. To sum it up, was our "eat like a Viking" experience good? Ako okay lang, si Dudung sabi nya nasulit naman daw nya yung binayad namin na P 774.90 Vat inclusive. Not bad diba?

So sa December 14, SM Megamall naman ang plano namin. Viking's get ready! Until next time. See you!!!

Friday, September 30, 2016

Hinulugang Taktak National Park Today

Nakakahiyang aminin, nine years na akong nakatira sa Antipolo pero lately ko lang nabisita ang Hinulugang Taktak.  Pero sabi nga nila, better late than later...

 At naisip ko na hindi ko rin masisi ang self ko kung bakit never ko binalak na pumunta dito noon. Many years ago kasi, (mga panahong hindi pa uso ang Facebook) puro pangit ang naririnig ko about Hinulugang Taktak. Kesyo madumi, madami basura floating in the river, mabaho, panget, panget at panget. Kaya ayun, siguro ito yung natanim sa isip ko. Pero one time, there's a voice inside me that tells me to visit the place, so yan, sometime in August 2016, sinama ko ang jowa kong kaladkarin at nakita ko for the fist time ang Hinulugang Taktak! And this is how it looks like today:


It was more beautiful than what I imagine it to be, or from what I've seen on tv and pictures. Nakakabighani ang waterfalls. Na imagine ko tuloy kung ano ang hitsura nito noong araw, baka pwedeng ipangtapat sa Niagara. 

Photo below ang daan patungo sa falls right at the entrace. Dito pa lang maririnig mo na ang tunog ng falls na very relaxing to the senses. Yun lang, kasabay din ng pagpasok mo may something smelly na you know that's coming from the waters. Pero tolerable naman yung baho aroma. Not sure if it's just me pero nawala din yung smell after a few minutes or na immune lang ang ilong ko.


Walang entrace fee dito. Malinis ang paligid, halatang may nag me maintain ng cleanliness, orderliness, and bongganess.  Sa entrance may mga uniformed personnel na may logbook na nakahanda para sa mga papasyal. Halos walang tao nung time na pumunta kami kaya tahimik ang lugar. Maraming punong malalaki at may mga birds pang humuhuni na ikinasaya ko ng bongga! Oh you know I love nature so much! 


Dahil sa kapayapaan ng paligid sinamantala kong mag ala model in a music video. Dito sa bridge na ito, sinamantala kong mag emote at mag conmtemplating-about-life pose habang nagpapanggap na hindi ko alam na pini picturan ako para sa mas madramang effect. Tagumpay naman. Sa ganda ng surroundings effortless ang pag eemote ko. Hahaha!

May mga cottages din para sa mga gustong mag picnic. Pero naghahanap ako ng basurahan, wala akong nakita. Saan kaya magtatapon ng basura? Inassume ko na lang na iuuwi mo yung mga kalat na dinala mo. Sige itatanong natin yan sa next punta ko. But the important is bawal magtapon ng kalat kung saan saan. Hello naman, tinuturo naman ito kinder palang diba?? (Nakataas kilay ko)



At para sa mga gustong mag isip kung paano iwawasto ang mga pagkakamaling nagawa nila sa buhay nila, may Meditation Area para sa inyo. Dito mo ibuhos lahat ng nilalaman ng puso mo habang nakatitig sa agos ng tubig at nakikinig sa huni ng mga ibong nagbabalik  ng masasaklap na alala at sugat na dinulot ng mapait na nakaraan... Hep tigil muna ang drama...Hihihi!



Meron ding pool sa loob ng park, may restrooms and shower rooms na perfect for a weekend family get-togetherness. Just inquire at the uniformed people in the area or you can call the city office kung may bayad or free. Ininspeksyon ko ang mga banyo, okay naman! Malinis ang pool, hindi nga lang masyado malaki pero pwede na. 



May wide space din na perfect for your playful little children. Pwede silang maghabulan dito hanggang sa mapagod at magutom sila. And all around was surrounded with a nice landscape na pa mountain char ang drama.



So what are you waiting for? Make sure you visit the park when in Antipolo. This is the second most visited spot in the city, next to the cathedral. Who knows, sa mga single baka dito nyo na mahanap ang forever nyo. Sa mga may asawa baka dito nyo mahuli ang kabit ng mister nyo, joke lang!. At sa mga tulad ko na naghahanap ng perfect backdrop for your Instagram photo, this is the place!!



xoxo,
Claire

Friday, September 16, 2016

S&R New York Style Pizza at Robinson's Antipolo

At first I was afraid, I was petrified. Oops, mali! At first I thought this is sosyal, kasi may New York, pero sosyal nga kasi may Style. (Habang tumatanda pa corny ng pa corny at nag tatagalog na ako sa pag ba blog, sumuko na ang nerves ko trying hard kaka English)

Anyway, highway, pasensya na kayo sa ate nyo, ganito po talaga siguro pag bored at walang mapag tripan. Hindi naman masama mag blog at i share ang mga milestones ng buhay ko thru blog. Milestone na itong makakain for the first time in forever sa S&R New York Style Pizza sa Robinson's Place Antipolo City!!! Tatlong tumbling from the house!

So ito ang inorder namin ng jowa kong kaladkarin (kasi kahit saan ko sya yayain sasama lang sya):


For me is 1 Pizza Combo Slice at P 119, and for jowa is 1 Piece Chicken with Rice Meal for P 99. Nagdagdag din ako ng 1 order ng Fries for P 54 na di ko matukoy kung regular, medium or large ba siya kasi wala syang pagkakakilanlan. Inassume ko na lang na isang size lang talaga ang fries nayan, please see photo below.



So, at first I was afraid and petrified, kasi kala ko mahal ang food doon. Pero I was wrong. With the price ng inorder namin di ko kinaya ang sobrang kabusugan dun sa slice ng pizza na pwede paghatian ng dalawang tao. Ang laki ng serving nya te! Nag share pa kami ng asawa ko dyan sa pizza and fries. Tinikman ko din yung chicken at bet ko sya, pwede itapat sa McDo and Jollibee. While the fries is medyo nasobrahan ata ng lagay ng iodized salt. okay na okay din! Pero McDo fries pa rin ako forever!
And finally, with the place and all, it's clean naman, no langaw freely flying inside. The tables, chairs and floors and not sticky and stingy, and the staff are okay naman. Pak na pak mga ate! Until next time! :)

Friday, September 2, 2016

What Lucy Torres-Gomez and I Have Something In Common

One fine day, habang nag ba browse ako sa Instagram, I saw this post by Ms Lucy Torres:

Photo from Lucy Torres' Instagram

According to her, "ang hirap mag selfie"! Gustong kong mag comment ng "relate much!" 

Hahaha! Wag nyo  muna ko i judge na feelingera, mahirap talaga mag selfie lalo na sa tulad kong, kinulang sa ganda. That's one thing Lucy and I have in common. Ow wow parang ang sosyal ha!! Hihihi!

Mahirap lang talagang hanapin yung magandang anggulo lalo na kung mailap ito. I hope you understand...

At di ko ma gets kung bakit mahirap kay Ms Lucy Torres-Gomez mag selfie when all she needs to do is face the camera and smile...


Sorry this is the best selfie I can get. char!

Selfie above, pwede ko na lagyan ng caption na GGSS! Pero totoo, mahirap talaga mag selfie :)





Sunday, August 28, 2016

The Quest For A Flawless Fez Is Over!

Hindi dahil natagpuan ko na ang holy grail na nagpakinis sa mukha ko. No! Kung hindi suko nako! Suko na ko sa pangarap kong magka roon ng makinis na fez! Blame it all on my genes, wala talaga, hindi tayo nabiyayaan ng makinis na mukha!

Bakit ganun, sinabon ko naman, pero ayaw kuminis....(sabay walling na madrama)....

I quit. Nasubukan kona lahat ng pwede kong subukan, syempwe yung afford lang ng wallet ko pero ganun pa rin talaga. May pimples kahit matanda na, malalim mata kahit hindi puyat, may blackheads at white heads, red heads, blonde at brunettes andito lahat sila nagsanib pwersa ala Justice League sa mukha ko pinagkaisahan ako!

Ayoko na, tao lang ako napapagod din.... (walling na madrama ulit)....

So I quit...buti na lang uso na ang mga app na makakapag pakinis ng mukha ko sa pictures...

O diba??? :D
O diba? Char, ang laki ng problema ko? Hihihi! Hashtag first world problems. Change is coming!



Monday, August 22, 2016

Kape Issues

Monday, first things first. Kape.

Kape ni Clara. Sweet and strong.

Dear kape, I have issues with you. Hanggang ngayon di ko ma perfect ang timpla sayo. Ilang years na tayo, 36 na. Given na yung first years sablay talaga, pero ngayon 36 na. Hindi pa rin kita ma master. Minsan ang saya, most of the time sablay.


Minsan matapang ka, kayang kaya mo akong ipaglaban. Parang lahat susuungin mo para sakin. Pero minsan lang iyon, Ngayon parang its been ages since naging matapang ka para sakin.

Most of the time malamya. Parang walang buhay. Yung parang routine na lang ang bawat araw. Walang inspiration. Magkakape na lang, mechanically. Dahil kailangan.

Minsan sweet. Okay lang kahit di ka laging sweet. Magka diabetes pako. Okay lang yung sakto lang, Hindi ka Coke pero okay lang sakin talaga kung sakto ka lang.

Pag ayaw ko magtimpla bibili na lang ako ng 3in1. Pero hindi dapat laging ganun. Wala kasing challenge. Mas maganda pa rin talaga yung pinag eefortan. Diba?

Ganyan ang life eh! Parang kape. Kape lang ng kape hanggat may makakape!


Monday, August 15, 2016

Poke Go or No?

Shuu!! Sorry sa cheesy na title. Yan lang ang kinaya ko at the moment. Hi Me, Myself and I, my loyal and faithful readers forever!! :D

I just read from Yahoo that Pokemon Go (or at least the developer) already earned 200M$ since the week of its launched. Ay bongga! Yayamanin na sila! Pero ganun pa man, hindi pa rin ako nahikayat mag download ng game. Why o why? Bukod sa hindi ko lang trip makiuso, feeling ko this game is not for me. Yes, pak ganern lang ang peg ko!

Well feeling ko din kasi hindi ako makaka level up sa game since bahay at trabaho lang lagi ang ruta ko, bihira ko lang talaga ilabas ang aking kagandahan, At kung nasa labas man ako hindi ko nilalalabas ang gadget ko kahit mumurahin lang to.

Atchaka hindi talaga ako masyadong mahilig sa games. Isang internet based game lang talaga kinahiligan ko at nilalaro ko for about 1 year na din. Uu, Clash of Clans, na adik ako dito, though di na ako masyado adik ngayon, naglalaro pa rin ako. Nag Candy Crush ako dati pero Level 35 lang ang pinaka mataaas na na reach ko, nainis ako kaya tiniglan ko.

Anyways, please take a look at my COC base:


Yes, that's me, Beautiful Chaos is the name! Medyo mabagal ang progress ko but I still play it lalo na pag gusto ko pumatay ng maraming oras.

So poke go, or no? Maybe not now! :)

Happy Monday! :)

Monday, October 21, 2013

Binalot Review

Welcome to my first ever (first nga ba, sorry po di ko ma remember, pero ang alam ko first 'to, hehe, engot lang) food review! :)

Last October 15, a holiday, my husband and I went to the malls (yes, malls!) because we were so bored at home. Knowing the lakwatsero spirit whispering in our ears, we heeded its call.

We went to SM Marikina first, to window shop. We just decided to go back to Robinson's Metroeast to eat lunch there because we could not decide where to eat. I did not want to eat at Jollibee or McDonald's or KFC that time. We passed by Charlie Chicken, but there was nobody eating and I asked myself why (baka di masarap?)  So went back, as I said, to Robinson's Metroeast (there are actually three malls much nearer to our place than SM Marikina, SM Masinag, Sta Lucia, and Robinsons ewan ko ba bakit yung mas malayo pa yung napili namin) and decided to just eat at Binalot.


It was actually our second time there, nagustuhan ni jowa ang foodash kasi lutong bahay lang ang peg kaya bumelaks kami! Maliit lang ang place as you can see at very Filipino sya.


Eto ang inorder namin, as you can see nakabalot sya sa recycled paper then sa dahon ng saging  -  Pork Sinigang kay jowa, at Sisig naman for me, isang drinks lang inorder namin mahal kasi P25 din, medyo malaki yung size ng rice kaya nakuntento nako sa isa saka diet din ;p


Photo above is the sinigang P85 with rice, well ang say ko lang kalasa lang din sya ng usual na sinigang na niluto natin sa bahay, feeling ko nga kaya nyo pang gumawa ng mas masarap pa dito, pero okay na rin sya, malambot ang meat at okay din yun veggies saka di super asim.


This is the sisig, my order for P80 with rice na rin. As you can see may sunny side up na bumida. Okay lang yung lasa ng sisig, kaya lang ayoko nung may matigas na part, tenga ba ng piggy yun? Basta yun, di ko type, pero kung wala nun masarap na sya. Okay yung serving na pang babaeng ayaw lumaki ang bilbil! :)


As to the overall surrounding of the place, okay siya, malinis, walang langaw flying freely inside, hindi malagkit ang floor at tables, saka ang taray ng mga wall decorations. Pati chairs and tables very Filipiniana ang dating, parang gusto ko tuloy mag suot ng terno sa loob, hahaha!

At eto pa, natuwa ako sa banderitas, feeling ko fiesta minus the madaming tao, that time kasi mga 3 group including us lang ang kumakain. Hmm I wonder why?

Anyway, tingin ko babalik kami dito ulit ng jowa ko pag di namin feel mag McDo, KFC at Jollibee kasi okay naman siya. Mura, malinis, mabilis ang service, wala namang masungit at nakamangot na staff, except may kumakalabog lang ng konti sa kitchen pero hindi naman mukhang nagdadabog na pangyayari.

Ayan, ang aking food review, sana ay maulit muli.... :)

Monday, September 23, 2013

Dear Sheila!

Una sa lahat, exclamation point talaga ang ginamit ko sa title nito, wag ka magtaka hindi yan typo :) at saka para unang tingin pa lang obvious na na dedicated sayo ang post kong ito :)

Dahil ikaw ang unang taga AFCMI (bukod kay IT) na nakatuklas ng blog ko marapat lang na may merong isang post na sadyang dedicated para sayo. Eto na yun! :)

Gusto ko lang malaman mo ang mga bagay na nangyayari ngayong wala ka na dito sa company:

 Nabawasan ng customer si Ate Elvie. Alam mo bang bumaba ng 18% ang sales nya ng soft drinks at cheecheeryah!? Kasalanan mo yun.

Nakatipid ako ng ng 6 seconds dahil nabawasan ng isa ang i me message ko sa spark pag dumadating si Ate Elvie.

Wala ng back-up singer ang music dito sa office.

At dun sa iba pang concerns, tanungin mo na lang si Marie :)

Hay...

Pag dumating ang panahon na tabingi ang mukha ko dahil lagi ako nakatingin sa kaliwa dahil wala akong makausap sa right side ko. At kailangan ko na ng dalawang jacket dahil solo ko lahat ng lamig na nilalabas ng aircon.

Pagkatapos mong matuklasan blog ko....

Pagkatapos kong ibunyag sayo ang takot ko sa ipis....

Pagkatapos mo kong dalhan ng maraming Lipton tea....

Pagkatapos ng ilang months lang na session natin sa pantry...

Yun lang yun!

Sayang naman....


Tuturuan pa naman sana kitang....uminom ng kapeng barako, at lahat ng klase ng kape hanggang sa maging coffee addict ka na din...

Saka ituturo ko pa sayo lahat ng mga code names ng mga tao dito kasi si Boy Chow pa lang kilala mo.... sayang talaga :(

Anyways, good luck to your new career, kung ano man yun....

See you soon (?)! :)


Nga pala, pinili ko talaga itong picture na ito, kasi tingin ko mas maganda talaga tayo pag malabo yung pic, diba?
Thank you Marie for the pic, 4 sure dun sa photobomber ka nakatingin :)

Hugs and Kisses from Pantry Girls (hanggat wala pang official na pangalan gamitin ko muna to kahit labag sa loob ko, saka wala pang pumapalit sa pwesto mo, bakante yung chair mo pag lunch) We miss you! Pantry sessions will never be the same without you.



P.S. Comment anonymously pag nabasa mo 'to! :)



Wednesday, September 18, 2013

The Photobomber!

Ang saya mag picture picture, lalo nag pag ka click, maya maya upload kagad!

Pag panget - delete! Post ulit!

Pag maganda upload na......

Pero kapag ganito, maganda nga post mo pero sa background biglang may sumingit.......



Nakakainis diba?!


Ang masaklap pa, dapat moment nyo na, may umekstra pa!!!





So guys, beware of that girl na mahilig umekstra! Panira lang! :)





Thursday, August 8, 2013

Joining The Bandwagon

Makiki Throwback Thursday lang po!

Ipagpaumanhin nyo po ang picture na gusto kong i share. Ito na yata ang pinakaluma na pwede kong mai share sa inyo. Promise, one time lang to! Alam ko mahilig kayo mag share ng pictures ng mga babies ninyo pero hindi ng sarili ninyong baby picture. Dahil wala akong baby, sariling kong baby pic ang i share ko.

Hindi ako cute, pero para sa nanay ko, ng mga panahong iyon, ako ang pinaka cute na baby sa buong mundo. Kitang kita naman sa nagtatayuan kong hair, bata pa lang punkista na, at ang mga braso kong parang longanisa, sigang siga ang dating!

Konting kwento: survivor ang picture na yan. Dati kaming nakatira sa bahaing parte ng Cainta. Major ko na yata ang lumusong sa baha dahil marami akong memories ng baha noong kabataan ko. Tingnan nyo, buhay pa ang larawan na ito na pinaka tago tago ko pa at iniingatan.


O ayan, lakas maka throwback ano? Promise una at huli 'to!



Thursday, June 13, 2013

Makapag Blog Lang

Spell Claire. B-O-R-E-D. Try ko kaya mag blog the Mommy Fleur way, miss ko na kasi siya. Ang tagal na nyang walang post! :(  Ay wag na, hindi yata bagay sakin!

Yesterday pala, we went to DV (as in Divisoria). Because it was a holiday, ang daming tao sa DV! We were there as early as 8 am. Before we left home while walking papuntang sakayan, my husband and I are arguing about free LRT fares during Holidays. He asked me if this year, the fare was free again. I told him I dunno, I have not heard the news (because I don't watch news anymore, hehe). So we were arguing on our way to Santolan Station at doon na natapos ang pagtatalo namin dahil free nga naman during rush hour lang. So natapos yung pagtatalo namin, which obviously ako ang talo, at nakalibre kami ng papuntang Recto Station. Okay na rin :)

Ang sarap mag commute pag ganitong holiday. Walang masyadong traffic! Ang luwang sa LRT, walang kilikili na nakadikit sa mukha ko, pero pagdating sa DV, andoon ang kalbaryo. Ang aga namin pero kulang ang oras para maikot ang buong DV kakahanap ng mga anik anik pang raket. Ang sarap mag-ikot, kung hindi lang sobrang siksikan at may iba pang place na medyo maputik. Pero there's no place like Divi, panalo ang shopping place na ito for budget (super)conscious misis like me!

Marami tayong naririnig about mga pandaraya ng mga tindero/tindera sa Divisoria kaya ingat ingat lang din pag may time, katulad ng mga nagtitinda ng gulay o prutas o mga bagay na dumadaan sa timbangan. Aminin natin, ang sarap mamili ng fruits and veggies doon tulad ng broccoli, lychees, tulad nyan na mahal sa supermarket. Kasi daw, may daya ang timbangan nila, true naman ang dami ng nagkwento sakin nyan, pero alam nyo ba na hindi lang sa Divisoria yan? Yes, in fact during Biblical times pa pala at panahon pa ng old testament. Share ko ang verse ha:


Amos 8:5
"When will the New Moon be over
that we may sell grain,
and the Sabbath be ended that we may market wheat?
Skimping on the measure boosting the price
and cheating with dishonest scales,"
O diba?!

Update:
 Nga pala ang theme song sa Divisoria ngayon ay Just Give Me A Reason at Gentleman :)


Tuesday, May 28, 2013

Mga Dapat Tandaan Kapag Sumasakay Ng Jeep

Sa mga hindi pa nakakaranas sumakay ng jeep, welcome to the Philippines! Joke lang po, kahit na ito ang pinaka common na pampublikong sasakyan dito sa ating bansa, tingin ko meron pa rin na hindi nakakasakay sa sasakyan ng mga jologs, este ng masa pala! :)

Dahil ako po ay batang jeep sa matagal na panahon, marami na akong karanasan sa pagsakay ng jeep. Kung iipunin ko nga lahat ng oras na nakasakay ako sa jeep baka nakatapos na ako ng dalawang course sa college at isang masteral degree. Exagge?! Oo, twenty years na akong nag nag jejeep, kaya jeje na ako! :)

So to make the long post longer, eto na ang mga pink kong tips para sa safe at masayang karanasan sa pagko commute sa sasakyan na tatak na nating mga Pinoy. Sa tatlong bagay ko lang hahatiin ang mga tips kong ito at ito ay ang mga sumusunod:

Manyak Alert. Hindi po ako sobrang seksi at saksakan ng ganda para maging kamanyak-manyak, meron lang talagang mga lalaki na nananamantala sa mga babae at mukhang babaeng kapwa pasahero, lalo na pag siksikan na ang jeep. Didikit sila sayo kahit pwede namang hindi. Bubukaka sila ng 180 degree angle o gagawin nyang armrest yung bintana ng jeep para makadikit at makasiksik sayo. Minsan kahit hindi masikip ang jeep sadyang uurong sila palapit sayo na para kang magnet at hindi ka lalayuan. Naranasan ko na yan at hindi po sa magmamayabang, magaling na ako makaramdam kung manyak o walang malisya ang katabi ko sa jeep. Sigurado ako kayo rin mga babae, naransan nyo na din ang ganito kaya dapat lagi kang alert dahil madami nyan. Actually kaninang lang naka engkwentro na naman ako kaya naisip ko i-blog ito. Ito lang ang mga simple kong suggestion just in case ma encounter mo ang mga nakakabwiset na manyak na yan:

  • Simangutan, irapan at tingnan mo siya ng matalim na mata para maramdaman niya na di ka kumportable sa ginagawa niya, eto ang una kong ginagawa kaya lang madalas hindi effective pero mas maganda kung kaya mong magsalita at diretso sabihin sa kanya na nakakairita siya.
  • Lumipat ka ng pwesto kung maluwag naman ang jeep. Ingat lang para hindi ka ma outbalance at masubasob, nakaiwas ka nga sa manyak may bukol ka naman.
  • Isang dahilan kung bakit gusto ko ang malaking bag kasi gamit ko yan shield sa mga masasamang loob tulad ng mga manyaks sa jeep. Pag may bumaba, urong agad tapos ilagay bigla ang bag sa tabi mo at sadyain mo na tamaan si manyak. Lakasan mo ng konti para talagang ma feel niya na galit ka sa kanya.
  • Kung talagang pakiramdam mo naagrabyado ka ng manyak, apakan mo paa niya pag baba mo. Bahala na kung ano ang susunod na mangyayari. So far ito pa lang ang ma sa suggest ko. Kung may suggestion kayo, please feel free to share :)

Mandurot/Holdaper Alert. Ito ang mas delikado dahil somehow buhay ang nakataya dito. Minsan na akong nabiktima ng Laglag Barya Gang (siguro gagawa na lang ako ng hiwalay na kwento tungkol dito, promise pag may time). Simula noon naging mapagmatyag na ako sa mga nakakasakay ko sa jeep. Wala naman nangyari sa akin na masama at one hundred pesos lang ang nawala sakin. Nagpasalamat pa nga ako sa karanasan na iyon dahil noon kasi pag sumakay nako sa jeep naglalakbay na ang diwa ko at wala ng pakialam. 

Basta ang maipapayo ko lang, obserbahan mo ang hitsura ng mga kasakay mo. Kapag nakakita ka ng lalaki ( o babae) na medyo kakaiba ang kilos, yung tipong hindi mapakali: lingon ng lingon sa paligid o sa labas ng jeep, o kaya text ng text, o halatang hindi siya relaxed magduda ka na. Usually isang grupo ang gumagawa nito pero nagpapanggap silang hindi magkakakilala. At saka wala sa pananamit nila na holdaper sila. Yung na encounter ko na laglagbaryagang, isa dun medyo maayos ang porma, hindi ko inakala na ganun sila. At kapag yung parang ginugulo kayo o kinakausap ka na parang close kayo, or kahit anong ginagawa na aagawin yung atensiyon mo, hawakan mo na ng mabuti ang  gamit mo o mas mainam na bumaba na ng jeep. Better safe than sorry!

Tulo Laway Alert. Ibig sabihin lang ay wag kang matutulog. Pag mahaba ang biyahe at pagod ka na talagang nakaka tempt matulog sa jeep pero hangga't maari pigilan mo dahil hindi mo alam kung ano pwedeng mangyari sayo habang tulog ka. Yun lang! Hindi ko sigurado kung may napulot kayong kapaki pakinabang sa mahabang post na ito, pero ganun pa man salamat sa pagbabasa. 

Photo by Sheena Marie Perez
Have a nice day!! :)


Monday, April 29, 2013

Phillip's Sanctuary

Last April 19, our company had a team-building activity held at Phillip's Sanctuary in Antipolo. It was a whole day of sweat dripping but fun activity.

Meet my team - Coast Guards. Wala po ako sa picture na 'to. Di ko masyado feel mag e extra sa picture taking dahil hindi ako nag powder, lipstick, at naka ponytail lang ako kaya chaka khan ang drama ko. Masyadong mababa ang confidence level ko that time para sa picture picturan! :)
1
But before I begin storytelling about the team building, I'll make a little description about the place. It's an hour or so away from Marikina, around the same time, hindi nagkakalayo if you're coming from Cubao. Hindi siya ganun kalayo, medyo boundary na siya ng San Mateo and Antipolo. Medyo kagubatan na yung place, pero very accessible naman kasi maayos yung kalsada. Sa mga city dwellers ma appreciate ninyo ang simoy ng hangin dito kasi medyo sariwa na siya.

Pag pasok nyo sa main entrance ng Phillip's Sanctuary, mahaba haba ang trail na lalakbayin mo. Don't worry dahil kung may sasakyan kayo hindi naman kayo maglalakad ng malayo. Kami lang naglakad kasi naka bus kami, hindi allowed pumasok yung mga sasakyan na kasing laki ni bus so walkaloo ang beauty ko, which is fine dahil sanay ang mala-kamoteng kahoy kong legs dun :).

So habang nilalakad namin yung trail papunta sa main area ni Phillip's Sanctuary, enjoy ako ng todo dahil ang daming trees, as in sobrang dami feeling mo nasa gitna ka ng isang virgin forest. Ang ganda ng mga puno. Sabi nung nag facilitate ng activity sa amin meron daw dun thousands something species of trees. Sorry forgot the exact number. At maaliw ka rin dahil sa mga trees nakadikit yung poem ni Joyce Kilmer "Trees" remember nyo ba yun "I think that I shall never see a poem lovely as tree" chenez?  Per set of words siya nakapaskil sa puno, hanggang sa matapos ang poem andun ka na pala sa lugar! Gandang paandar diba?!


2
3

(Pics # 2 & 3). Sorry ulit ulyanin na po ang lola nyo, nakalimutan ko ang tawag sa game na yan. Picture chorva na lang! Ito yun kung saan bibigyan kayo ng scenario tapos i act ninyo yun, no words, just act it, then freeze like a picture. Yun na yun! Windang!

4

5
Pictures #4 & 5, the game is called Acid River chuchu. May mga planks of wood na gagamitin namin para makatulay sa other side. Bawal sumayad ang paa sa lupa. Dapat lahat ng members ng team makatawid pati yung mga kahoy kasama sa pagtawid. Hindi mahirap tong game na to, nag enjoy nga ko kasi no sweat di ako nag exert ng energy! :)  Kunyari we're crossing an acid river tapos may mga crocodiles daw. Pano kaya nabuhay yung crocs sa acid? Acidic sila!

6

7
Pictures # 6 & 7, the Centipede Race. So ganyan, kapit kamay ang mga team members, pero yung pwesto ng kamay andun, sa ilalim bandang gitna at gawin ito in the shortest possible time. Medyo challenge kapag girl and boy kasi there's a tendency to touch the sensitive parts, pero carry lang may diskarte yata dyan, saka wala naman malisya! Di ako nakasali dito kaya di ko na feel.

8

9
Pics # 8 & 9, the Ten Feet Wall. So ganyan siya, may lubid na may knot pero yung first and last na member lang ang pwede gumamit nito. The rest should climb the wall with the help of the macho members of the team. Nung turn ko, hindi ko namalayan kung pano ako naka akyat sa wall na yan, basta ang naalala ko tumungtong ako sa balikat ng dalawa tapos in seconds andun nako sa kabila. Hindi dahil magaan ako, malakas lang talaga siguro yung mga boys na humila sakin in fact kinabukasan may pasa ako sa braso, hehehe! Okay lang, all for the game as long as it's not buwis buhay!

10
11
12.  I swear napakainit ng log, napa-leche at talon ako !
13

Pictures # 10 to 13. I'm a lampayatot, at pag mga games na ganito yung tipong tatawid, tatakbo, tutulay, lalambitin, takot ako! Kaya proud talaga ko sa sarili ko nung natawid ko yung # 12 (ako yan) saka # 13, hindi ako ang nasa pic pero natawid ko rin sya, tagal nga lang! :)


More pictures...

Kawawang lechon!

Team Coast Guard girls

Ligo pagkatapos ng games
Sinong lalaki?


Thank you very much to Ma'am Carmi for the pictures. Pag naka nenok pa ko ng maraming pics try ko i upload dito plus some more kwento about Phillip's Sanctuary. :) Hanggang sa susunod! See yah! :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...