Yesterday pala, we went to DV (as in Divisoria). Because it was a holiday, ang daming tao sa DV! We were there as early as 8 am. Before we left home while walking papuntang sakayan, my husband and I are arguing about free LRT fares during Holidays. He asked me if this year, the fare was free again. I told him I dunno, I have not heard the news (because I don't watch news anymore, hehe). So we were arguing on our way to Santolan Station at doon na natapos ang pagtatalo namin dahil free nga naman during rush hour lang. So natapos yung pagtatalo namin, which obviously ako ang talo, at nakalibre kami ng papuntang Recto Station. Okay na rin :)
Ang sarap mag commute pag ganitong holiday. Walang masyadong traffic! Ang luwang sa LRT, walang kilikili na nakadikit sa mukha ko, pero pagdating sa DV, andoon ang kalbaryo. Ang aga namin pero kulang ang oras para maikot ang buong DV kakahanap ng mga anik anik pang raket. Ang sarap mag-ikot, kung hindi lang sobrang siksikan at may iba pang place na medyo maputik. Pero there's no place like Divi, panalo ang shopping place na ito for budget (super)conscious misis like me!
Marami tayong naririnig about mga pandaraya ng mga tindero/tindera sa Divisoria kaya ingat ingat lang din pag may time, katulad ng mga nagtitinda ng gulay o prutas o mga bagay na dumadaan sa timbangan. Aminin natin, ang sarap mamili ng fruits and veggies doon tulad ng broccoli, lychees, tulad nyan na mahal sa supermarket. Kasi daw, may daya ang timbangan nila, true naman ang dami ng nagkwento sakin nyan, pero alam nyo ba na hindi lang sa Divisoria yan? Yes, in fact during Biblical times pa pala at panahon pa ng old testament. Share ko ang verse ha:
Amos 8:5
"When will the New Moon be over
that we may sell grain,
and the Sabbath be ended that we may market wheat?
Skimping on the measure boosting the price
and cheating with dishonest scales,"
O diba?!
Update:
Nga pala ang theme song sa Divisoria ngayon ay Just Give Me A Reason at Gentleman :)
Update:
Nga pala ang theme song sa Divisoria ngayon ay Just Give Me A Reason at Gentleman :)
Wow, pa divi divi ka na lang sis.!!Hindi ata ko pwede sa DIVI shungangers akey eh, hindi nga me marunong makipagtawaran. Last Dec, we went to baclaran lang hehhe.. true sis sarap talaga mag biyahe pag Holiday.
ReplyDeleteNaku sis, kailangan kasi trying hard negosyante ako, hehehe! Shungangers din ako dati, pero natuto din ako, at Baclaran ang next target naman, haha! :) THanks!
ReplyDeleteNaku,happy place ko din ang dv dito sa cdo.Basta mura,gow! Kaumay na ng gentleman!
ReplyDeleteSaya talaga sa DV, at bigla nawala yung favorite kong Just GIve me reason, :)
Delete