Nakakahiyang aminin, nine years na akong nakatira sa Antipolo pero lately ko lang nabisita ang Hinulugang Taktak. Pero sabi nga nila, better late than later...
At naisip ko na hindi ko rin masisi ang self ko kung bakit never ko binalak na pumunta dito noon. Many years ago kasi, (mga panahong hindi pa uso ang Facebook) puro pangit ang naririnig ko about Hinulugang Taktak. Kesyo madumi, madami basura floating in the river, mabaho, panget, panget at panget. Kaya ayun, siguro ito yung natanim sa isip ko. Pero one time, there's a voice inside me that tells me to visit the place, so yan, sometime in August 2016, sinama ko ang jowa kong kaladkarin at nakita ko for the fist time ang Hinulugang Taktak! And this is how it looks like today:
It was more beautiful than what I imagine it to be, or from what I've seen on tv and pictures. Nakakabighani ang waterfalls. Na imagine ko tuloy kung ano ang hitsura nito noong araw, baka pwedeng ipangtapat sa Niagara.
Photo below ang daan patungo sa falls right at the entrace. Dito pa lang maririnig mo na ang tunog ng falls na very relaxing to the senses. Yun lang, kasabay din ng pagpasok mo may something smelly na you know that's coming from the waters. Pero tolerable naman yung baho aroma. Not sure if it's just me pero nawala din yung smell after a few minutes or na immune lang ang ilong ko.
Walang entrace fee dito. Malinis ang paligid, halatang may nag me maintain ng cleanliness, orderliness, and bongganess. Sa entrance may mga uniformed personnel na may logbook na nakahanda para sa mga papasyal. Halos walang tao nung time na pumunta kami kaya tahimik ang lugar. Maraming punong malalaki at may mga birds pang humuhuni na ikinasaya ko ng bongga! Oh you know I love nature so much!
Dahil sa kapayapaan ng paligid sinamantala kong mag ala model in a music video. Dito sa bridge na ito, sinamantala kong mag emote at mag conmtemplating-about-life pose habang nagpapanggap na hindi ko alam na pini picturan ako para sa mas madramang effect. Tagumpay naman. Sa ganda ng surroundings effortless ang pag eemote ko. Hahaha!
May mga cottages din para sa mga gustong mag picnic. Pero naghahanap ako ng basurahan, wala akong nakita. Saan kaya magtatapon ng basura? Inassume ko na lang na iuuwi mo yung mga kalat na dinala mo. Sige itatanong natin yan sa next punta ko. But the important is bawal magtapon ng kalat kung saan saan. Hello naman, tinuturo naman ito kinder palang diba?? (Nakataas kilay ko)
At para sa mga gustong mag isip kung paano iwawasto ang mga pagkakamaling nagawa nila sa buhay nila, may Meditation Area para sa inyo. Dito mo ibuhos lahat ng nilalaman ng puso mo habang nakatitig sa agos ng tubig at nakikinig sa huni ng mga ibong nagbabalik ng masasaklap na alala at sugat na dinulot ng mapait na nakaraan... Hep tigil muna ang drama...Hihihi!
Meron ding pool sa loob ng park, may restrooms and shower rooms na perfect for a weekend family get-togetherness. Just inquire at the uniformed people in the area or you can call the city office kung may bayad or free. Ininspeksyon ko ang mga banyo, okay naman! Malinis ang pool, hindi nga lang masyado malaki pero pwede na.
May wide space din na perfect for your playful little children. Pwede silang maghabulan dito hanggang sa mapagod at magutom sila. And all around was surrounded with a nice landscape na pa mountain char ang drama.
So what are you waiting for? Make sure you visit the park when in Antipolo. This is the second most visited spot in the city, next to the cathedral. Who knows, sa mga single baka dito nyo na mahanap ang forever nyo. Sa mga may asawa baka dito nyo mahuli ang kabit ng mister nyo, joke lang!. At sa mga tulad ko na naghahanap ng perfect backdrop for your Instagram photo, this is the place!!
xoxo,
Claire
I havent been there either. But i live in Batangas :D It is a nice place po ha :D i miss visiting parks, sana makalabas naman ako ng town ulit.
ReplyDeletelove from Myxilog
Thank you for dropping by! :) Malapit lang Antipolo, if you're visiting the church malapit lang ito :)
Delete