Tuesday, May 28, 2013

Mga Dapat Tandaan Kapag Sumasakay Ng Jeep

Sa mga hindi pa nakakaranas sumakay ng jeep, welcome to the Philippines! Joke lang po, kahit na ito ang pinaka common na pampublikong sasakyan dito sa ating bansa, tingin ko meron pa rin na hindi nakakasakay sa sasakyan ng mga jologs, este ng masa pala! :)

Dahil ako po ay batang jeep sa matagal na panahon, marami na akong karanasan sa pagsakay ng jeep. Kung iipunin ko nga lahat ng oras na nakasakay ako sa jeep baka nakatapos na ako ng dalawang course sa college at isang masteral degree. Exagge?! Oo, twenty years na akong nag nag jejeep, kaya jeje na ako! :)

So to make the long post longer, eto na ang mga pink kong tips para sa safe at masayang karanasan sa pagko commute sa sasakyan na tatak na nating mga Pinoy. Sa tatlong bagay ko lang hahatiin ang mga tips kong ito at ito ay ang mga sumusunod:

Manyak Alert. Hindi po ako sobrang seksi at saksakan ng ganda para maging kamanyak-manyak, meron lang talagang mga lalaki na nananamantala sa mga babae at mukhang babaeng kapwa pasahero, lalo na pag siksikan na ang jeep. Didikit sila sayo kahit pwede namang hindi. Bubukaka sila ng 180 degree angle o gagawin nyang armrest yung bintana ng jeep para makadikit at makasiksik sayo. Minsan kahit hindi masikip ang jeep sadyang uurong sila palapit sayo na para kang magnet at hindi ka lalayuan. Naranasan ko na yan at hindi po sa magmamayabang, magaling na ako makaramdam kung manyak o walang malisya ang katabi ko sa jeep. Sigurado ako kayo rin mga babae, naransan nyo na din ang ganito kaya dapat lagi kang alert dahil madami nyan. Actually kaninang lang naka engkwentro na naman ako kaya naisip ko i-blog ito. Ito lang ang mga simple kong suggestion just in case ma encounter mo ang mga nakakabwiset na manyak na yan:

  • Simangutan, irapan at tingnan mo siya ng matalim na mata para maramdaman niya na di ka kumportable sa ginagawa niya, eto ang una kong ginagawa kaya lang madalas hindi effective pero mas maganda kung kaya mong magsalita at diretso sabihin sa kanya na nakakairita siya.
  • Lumipat ka ng pwesto kung maluwag naman ang jeep. Ingat lang para hindi ka ma outbalance at masubasob, nakaiwas ka nga sa manyak may bukol ka naman.
  • Isang dahilan kung bakit gusto ko ang malaking bag kasi gamit ko yan shield sa mga masasamang loob tulad ng mga manyaks sa jeep. Pag may bumaba, urong agad tapos ilagay bigla ang bag sa tabi mo at sadyain mo na tamaan si manyak. Lakasan mo ng konti para talagang ma feel niya na galit ka sa kanya.
  • Kung talagang pakiramdam mo naagrabyado ka ng manyak, apakan mo paa niya pag baba mo. Bahala na kung ano ang susunod na mangyayari. So far ito pa lang ang ma sa suggest ko. Kung may suggestion kayo, please feel free to share :)

Mandurot/Holdaper Alert. Ito ang mas delikado dahil somehow buhay ang nakataya dito. Minsan na akong nabiktima ng Laglag Barya Gang (siguro gagawa na lang ako ng hiwalay na kwento tungkol dito, promise pag may time). Simula noon naging mapagmatyag na ako sa mga nakakasakay ko sa jeep. Wala naman nangyari sa akin na masama at one hundred pesos lang ang nawala sakin. Nagpasalamat pa nga ako sa karanasan na iyon dahil noon kasi pag sumakay nako sa jeep naglalakbay na ang diwa ko at wala ng pakialam. 

Basta ang maipapayo ko lang, obserbahan mo ang hitsura ng mga kasakay mo. Kapag nakakita ka ng lalaki ( o babae) na medyo kakaiba ang kilos, yung tipong hindi mapakali: lingon ng lingon sa paligid o sa labas ng jeep, o kaya text ng text, o halatang hindi siya relaxed magduda ka na. Usually isang grupo ang gumagawa nito pero nagpapanggap silang hindi magkakakilala. At saka wala sa pananamit nila na holdaper sila. Yung na encounter ko na laglagbaryagang, isa dun medyo maayos ang porma, hindi ko inakala na ganun sila. At kapag yung parang ginugulo kayo o kinakausap ka na parang close kayo, or kahit anong ginagawa na aagawin yung atensiyon mo, hawakan mo na ng mabuti ang  gamit mo o mas mainam na bumaba na ng jeep. Better safe than sorry!

Tulo Laway Alert. Ibig sabihin lang ay wag kang matutulog. Pag mahaba ang biyahe at pagod ka na talagang nakaka tempt matulog sa jeep pero hangga't maari pigilan mo dahil hindi mo alam kung ano pwedeng mangyari sayo habang tulog ka. Yun lang! Hindi ko sigurado kung may napulot kayong kapaki pakinabang sa mahabang post na ito, pero ganun pa man salamat sa pagbabasa. 

Photo by Sheena Marie Perez
Have a nice day!! :)


4 comments:

  1. Wew.. Gosh sis, I can relate here.. I was once a victim of laslas bag gang... badtriip kaya,. sobrang ngawa ako pag uwi ko ng bahay.. kaya Ingat ingat lagi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama! Always be alert, salamat sa pasyal! :)

      Delete
  2. Hahaha! I love this post! We do really need to be careful.

    By the way, followed you via Bloglovin! :)

    ReplyDelete

Thank you for reading my blog and I love you for your comment!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...