Last April 19, our company had a team-building activity held at Phillip's Sanctuary in Antipolo. It was a whole day of sweat dripping but fun activity.
Meet my team - Coast Guards. Wala po ako sa picture na 'to. Di ko masyado feel mag e extra sa picture taking dahil hindi ako nag powder, lipstick, at naka ponytail lang ako kaya chaka khan ang drama ko. Masyadong mababa ang confidence level ko that time para sa picture picturan! :)
|
1 |
But before I begin storytelling about the team building, I'll make a little description about the place. It's an hour or so away from Marikina, around the same time, hindi nagkakalayo if you're coming from Cubao. Hindi siya ganun kalayo, medyo boundary na siya ng San Mateo and Antipolo. Medyo kagubatan na yung place, pero very accessible naman kasi maayos yung kalsada. Sa mga city dwellers ma appreciate ninyo ang simoy ng hangin dito kasi medyo sariwa na siya.
Pag pasok nyo sa main entrance ng Phillip's Sanctuary, mahaba haba ang trail na lalakbayin mo. Don't worry dahil kung may sasakyan kayo hindi naman kayo maglalakad ng malayo. Kami lang naglakad kasi naka bus kami, hindi allowed pumasok yung mga sasakyan na kasing laki ni bus so walkaloo ang beauty ko, which is fine dahil sanay ang mala-kamoteng kahoy kong legs dun :).
So habang nilalakad namin yung trail papunta sa main area ni Phillip's Sanctuary, enjoy ako ng todo dahil ang daming trees, as in sobrang dami feeling mo nasa gitna ka ng isang virgin forest. Ang ganda ng mga puno. Sabi nung nag facilitate ng activity sa amin meron daw dun thousands something species of trees. Sorry forgot the exact number. At maaliw ka rin dahil sa mga trees nakadikit yung poem ni Joyce Kilmer "Trees" remember nyo ba yun
"I think that I shall never see a poem lovely as tree" chenez? Per set of words siya nakapaskil sa puno, hanggang sa matapos ang poem andun ka na pala sa lugar! Gandang paandar diba?!
|
2 |
|
3 |
(Pics # 2 & 3). Sorry ulit ulyanin na po ang lola nyo, nakalimutan ko ang tawag sa game na yan. Picture chorva na lang! Ito yun kung saan bibigyan kayo ng scenario tapos i act ninyo yun, no words, just act it, then freeze like a picture. Yun na yun! Windang!
|
4 |
|
5 |
Pictures #
4 &
5, the game is called Acid River chuchu. May mga planks of wood na gagamitin namin para makatulay sa other side. Bawal sumayad ang paa sa lupa. Dapat lahat ng members ng team makatawid pati yung mga kahoy kasama sa pagtawid. Hindi mahirap tong game na to, nag enjoy nga ko kasi no sweat di ako nag exert ng energy! :) Kunyari we're crossing an acid river tapos may mga crocodiles daw. Pano kaya nabuhay yung crocs sa acid? Acidic sila!
|
6 |
|
7 |
Pictures #
6 &
7, the Centipede Race. So ganyan, kapit kamay ang mga team members, pero yung pwesto ng kamay andun, sa ilalim bandang gitna at gawin ito in the shortest possible time. Medyo challenge kapag girl and boy kasi there's a tendency to touch the sensitive parts, pero carry lang may diskarte yata dyan, saka wala naman malisya! Di ako nakasali dito kaya di ko na feel.
|
8 |
|
9 |
Pictures # 10 to 13. I'm a lampayatot, at pag mga games na ganito yung tipong tatawid, tatakbo, tutulay, lalambitin, takot ako! Kaya proud talaga ko sa sarili ko nung natawid ko yung # 12 (ako yan) saka # 13, hindi ako ang nasa pic pero natawid ko rin sya, tagal nga lang! :)
More pictures...
|
Kawawang lechon! |
|
Team Coast Guard girls |
|
Ligo pagkatapos ng games |
|
Sinong lalaki? |
Thank you very much to Ma'am Carmi for the pictures. Pag naka nenok pa ko ng maraming pics try ko i upload dito plus some more kwento about Phillip's Sanctuary. :) Hanggang sa susunod! See yah! :)
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and I love you for your comment!