This is part two of my post about our team-building at Phillip's Sanctuary. Buti na lang may nahingian pa ako ng pictures (thank you Cel for the pics) , at marami pa about dun sa mga puno na na mention ko in my previous post. So this it. If your company is looking for a place for activities like team-building, this place is awesome talaga. Just be ready na sumakit ang katawan ninyo the following day :)
(Photo below) Eto yung sinasabi ko na mahabang lakaran from the main entrance. Pababa sya pag galing ka ng kalsada, so pag pauwi na kayo, medyo kalbaryo! Pero okay naman din kasi nga fresh ang air at maganda ang tanawin dahil sa mga trees.
More trees....
This pic below naman ay sa loob na ng Phillip's Sanctuary. Picturan na dahil tapos na ang games, tapos na kumain at mag swimming. Ang ganda ng view. Sa likod ng bridge na yan yung Andrew's Field. Meron din silang zip line pero medyo mababa. Kung matangkad ka, yung paa mo malamang makasipa ng mga ulo ng tao nasa ibaba.
Some more pictures at the pool area. Maliit lang ang pool nila but nice and mukha naman malinis. Wala talaga akong plano mag swim that time pero nung nakita ko na konti lang ang tao sa pool, ayun napalublob na ako! :)
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and I love you for your comment!