Ilang araw na lang papasok na ang Ber
months, eto mabigat pa rin ang puso ko! Charot! Pero bago ko isipin ang ber
months, let’s stay in August. August pa naman! So, ang ganap – na curious ako
sa Miniso. Nakikita ko lang to sa mga blogs, sa mga make up bloggers in
particular, at nagkataon naman na may Miniso na dito sa SM Masinag. Kakabukas
lang nito mga bes kaya sariwang sariwa pa ang tindahan! Mabango pa at amoy bago
ang lahat!
Pag kita ko palang ng entrance nakyutan na
ako. Well lighted ang store looking from the outside. Sana lang LED lights ang
gamit nila para environment friendly. Napa isip din ako, hmmm..mukhang Japan 88
at Daiso ang kamag anak nito. So hindi na ako nag atubili. Pinasok ko ang
tindahan to satisfy my curiosity.
First impressions – cuteness overload!
Bakit nga ba everything about Japan is cute? Hindi ko ma explain pero habang
nag iikot ikot ako sa loob, halos maduling ang mata ko hindi alam kung saan una
titingin. Ang gaganda ng mga anek anek dito. Ang sarap hawakan at damahin
lahat! Napaka ganda talaga ng Japanese art. Simple pero....rock?! :)
Kapag alam mong made in Japan, magdududa ka
ba sa quality? Sympre hindi. Japan eh! Sinampolan kong tingnan ang isa sa mga
bagay sa loob at kahit hirap ang mata ko na basahin yung maliliit na sulat
tiningnan ko talaga kung made in Japan. Oo made in Japan nga daw nakalagay.
Wala lang, baka kasi may naligaw na made in China. Hindi sa sinasabi ko na
panget mga made in China ha, wala ko sinabi na ganyan, ang sinasabi ko lang
basta made in Japan, Japanese, pag made in China – eh di------ Chinese!!
Hahaha!
So nag ikot pa ko sa store, kahit wala
naman talagang planong bumili. Making sure na lahat ng kanto at aisles
madadaanan ko. Halos lahat cute at maganda. Ang pinaka mura ay tag 99 pesos,
not bad ha! Mag eenjoy ang buong pamilya mag ikot ikot (at sympre bumili din
kayo ha) dito kasi may pambata like toys, tuwang tuwa ako dun sa Minions na
stuffed toys, may pang mothers like kitchen chenez, may para kay Daddy na mga
tools ekeks, at make ups at pampa beauty na magugustuhan ni ate! Teka, may mga
items din para sa mga techie!
Osha! Di ko na masyadong hahabaan at dadamihan ng pictures tong post nato. Baka maumay kayo, wala naman kwenta, wala din naman akong readers, hihihi!
Though super ganda ng things from Japan, wag parin kalimutan na tangkilikin ang sariling atin! Cheers!
xoxo,
Claire
Osha! Di ko na masyadong hahabaan at dadamihan ng pictures tong post nato. Baka maumay kayo, wala naman kwenta, wala din naman akong readers, hihihi!
Though super ganda ng things from Japan, wag parin kalimutan na tangkilikin ang sariling atin! Cheers!
xoxo,
Claire
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and I love you for your comment!