Friday, March 13, 2020

Have A Break, Have A K-Drama!


Hindi talaga ako fan ng k drama. Ang dami kong issue kasi. Una, ang hirap manood ng foreign language habang nagbabasa ng subtitle. Dapat mabilis magbasa para mahabol the eksena at ma gets pinagsasasabi nila. Tapos parang mas maiksi ang Korean language kesa sa ibang language no? Monosyllables parang Chinese and Japanese. Pangalawa, nahirapan ako tandaan mga pangalan at mukha ng mga side characters. Ako lang naman to, pero besh ang hirap talaga. Napagpapalit palit ko mga characters, hahaha! Bakit kasi pinagsasama sama nila sa isang palabas mga artistang iisa ang hulma ng mukha!

Yun lang pala. Bukod dun sa mga issues ko sa sarili ko, masaya manoood ng Korean. Siguro dahil Filipinos and Koreans share so many things in common. Yung culture natin maraming katulad ng sa kanila. Yung pagiging hopeless romantic natin lalo na. Ang hilig sa love story sobra. Halos lahat naka focus sa love story ang kwento. Compared sa Americans, hindi love story ang main story maliban na lang kung talagang love story. Ay gulo mo teh!

Eto yung mga K drama na nagustuhan at tumatak sa heart ko. First yung Memories of Bali way back early 2000. This one naka dub sa Tagalog kaya nagustuhan ko kasi ang ganda nung bida si Ha Ji Won. Tapos more than ten tears after napanood ko naman sya sa Empress Ki, grabe hindi man lang tumanda. Ang ganda pa din. Nalimutan ko kwento pero si Hajiwon hindi😊

Legends of The Blue Sea. Sobra pinasaya ko nito nung panahong malungkot ako sa mga bagay marecall kung bakit nga ba ako malungkot. Sobrang funny ni Jun Ji Hyun kahit pretty faced sya ang galing nya magmukhang komedyante. Napanood ko din finale ng My Love From the Stars, naiyak ako sa ending kahit d ko nasubaybayan.

Ano paba? Doctor Romantic saka Doctor Crush. Mas na kyutan ako dun sa guy sa Doctor Crush ( sorry forgots the name haha) kahit parang oily yung hair nya. Yung The Good Doctor naman d ko feels pero yung American version nun ang nagustuhan ko.

Ano paba? Yung Healer, ang ganda din pero si Wooki pogi mukhang girl. Kung naging babae yun ang ganda. But gusto ko story nitong Healer, galing ni titang hacker na may love life din, hahaha!

Ay teka hindi ko pwede kalimutan yung Descendants of the Sun. I love it! I love Song Song kahit hiwalay na sila.

Etong last na pinanood ko Crash Landing On You na tinapos ko ng 6 days lang haha! Wala pa sana ako plano manood ulit ng K drama kaya lang nahawaan ako ng mga tao. So tinapos kona sya okay naman. Medyo super unrealistic lang ng story pero super na entertain ako ng todo. Love ko yung lead female. Sya pala yung nasa The Last Princess, ang galeng nya dun. Ang saya sayng nitong CLOY. Tuwang tuwa ako sa mga side characters, hindi ako nalito sa kanila, naka tulong yung iba ibang hairstyles. Ang dami kong tawa saka iyak din. Super galing ni Son Jin Ye, ang ganda pa nya. At si lead guy, di ako masyado napogian sa kanya at first, kailangan pa titigan. Pero pogi naman pala talaga sya.

Eto ang perfect na panahon para manood ng K drama at mag stay sa bahay!

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog and I love you for your comment!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...