Thursday, July 13, 2017

Lafang All We Can! Inday and Dodong's Viking's Experience

Dahil birthday ko, sinamantala na namin ni Dudung ang birthday promo ng Viking's na matagal ko nang plano pero di natuloy tuloy, ewan ko ba, pero this year natuloy na! One week bago ang aking special day, pina reserve ko na ang romantic table for two sa SM Marikina branch, ganun ako ka atat! Mahirap na maubusan, isang taon na naman ang aantayin ko, tumatanda nako hahaha!

Third time ko sa Viking's, yung first and second parehong libre lang,  at first time naman ni Dudung, so may konting briefing at tip ako sa kanya na hindi kami kakain ng madami bago ang lafangan, kaya lang hindi nakinig ang Dudung, kumain pa din ng rice. Kebs lang ako! Hanggang sa dumating na ang sandali na naka overwhelm ng aking sikmura!


Photo above: Upon entrace, itey ang bubungad. Ang shala ng place. Sosyal na ito para sa inday na tulad ko. Habang kumakalam ang aking sikmura at lumuluwa ang mga mata ko sa pagtingin tingin kung ano ba una kong kakainin, natuwa naman ako sa lighting effect ng place, at ang furnitures na kung pwede lang ilagay sa bag ko baka nagawa ko na. Ang taray ng ambiance. Happy ang Inday!


Would you believe na gulay ang una kong dinampot? Why o why? Nabasa ko kasi yung title, tapos naalala ko yung movie tungkol sa ambisyosong daga kaya ayan na curious ako sa lasa ng pagkaing may nakaka confuse na spelling at mahirap i pronounce. Ratatouille.  In fairness pag aaralan ko lutuin yan. Pasensya na nga pala sa malabong pic ;D 


Una ko ring pinuntahan itong  carving, dahil cheatday/birthday sige na sagarin ko na sarili ko sa laman ng sangkahayupan. Photo above ay si kuya sa Carving Station na may pagka suplado. Gusto ko lang naman ng roasted turkey, ewan koba sour face binigay nya sakin. Ayan di ko tinakpan mukha nya sa picture, bahala ka!!!! Bwahahahah!


I must admit na hindi na ako ganun katakaw. Noong bata pa ako kaya kong kumain hanggang tatlong rice sa mang inasal, pero dahil tumatanda, nagbabago ang lahat, at hindi na rin talaga ako pang buffet. So dapat sulitin ko ang mga kakainin ko.


Picture above is the shalang Sushi station. Napaisip ako medyo malaking space ang kinain nya, ganun ba kahilig mga Pinoy sa Japanese? Guys, hindi ako kumain ng anything galing dito dahil di ko talaga trip ang sushi. Nagandahan lang talaga ako sa mga ilaw kaya panay ang lingon ko tuwing dadaan ako dito. Hindi akma ang binalot na ewan sa kanin sa panglasa ni Inday!!! Hahahaha!


Mahilig ako sa soup, pero ewan ko ba bakit di ko naisipan kumuha kahit konti. Dahil siguro mas na tempt ako mag mirror selfie kasama ng mga crush kong ilaw dito sa side na ito, at ngayon ko lang napagtanto at medyo nagsisi ako na hindi ako nag soup. Well, there's no sense in crying over the missed soup...


Eto naman ang drinks station. One tip na natutunan ko from "buffet experts" wag daw panay ang inom para di ka mabusog agad. Pero ang sasarap ng mga drinks nila. Ganun pa man, sinunod ko yung tip, sympre gusto ko masulit ang bayad namin kaya pinigilan ko ang urge na tikman lahat sila lalo na yung beer.


Winner ang baked oysters, kaya lang ang nakaka disappoint ay ang medyo matagal silang mag refill. At pagka refill na ubos kaagad sa isang plato lang. Nakakasama ng loob ha, yung feeling na gustong gusto mo yung food pero pakiramdam mo pinagdadamot sayo??


This is heaven on this side of the earth! Joke lang, dessert station yan! Hahaha! Medyo nalungkot din ako ng konti kasi parang hindi na kasingdami ng dati yung sweets na pwede mong pagpilian. Na sad ako kasi walang creme brulee at hindi ko na pinansin yung leche flan. By this time, busog na rin ako pero yung puso ko tumitibok sa mga pagkain nato. Na inlove nga pala ako dun sa avocado na may cheesecake, ang sarap, as usual nalimutan ko yung pangalan at apelyido! :D



Gusto ko pa sanang tikman lahat ng nakikita ko kaya lang hindi na talaga kaya ng sikmura ko. Yung feeling na yun gusto pa ng bibig mo? Minsan kasi talaga sa buhay may mga bagay na hindi na dapat pinipilit dahil hindi na dapat. Dapat tayo makuntento sa tama lang, hind yung porke vulnerable ang paligid sasamantalahin mo. ;p

Nahahalata nyo na malamang yung matindi kong pagnanasa dun sa ilaw ;p. Anyway, sa laki ng place medyo hindi ko lang feel yung mga area ng table for two kasi medyo dikit dikit. Of course intindihin natin na this is business at kelangan nila i maximize ang space para maka accomodate ng maraming customers para mabawi naman nila ang kanila operating expenses. Need din nila sympre na na mag take advantage na paliitin ang variable expenses para naman hindi lumiit ang kanilang contribution margin para naman kahit hindi peak season maka break-even man lang sila na mas okay kesa loss. Pag masaya ang negosyo, mas masaya ang BIR! Hahaha!


Balik ako dun sa dikit dikit na table for two. In my opinion, hindi masyado ideal place ang Vikings kung doon kayo magliligawan ha, matao at medyo maingay ang lugar, pang food trip ng pamilya at barkada talaga! Pero kung gusto nyo doon mag date hindi ko kayo pipigilan!

Teka, mahaba na masyado itong post ko. To sum it up, was our "eat like a Viking" experience good? Ako okay lang, si Dudung sabi nya nasulit naman daw nya yung binayad namin na P 774.90 Vat inclusive. Not bad diba?

So sa December 14, SM Megamall naman ang plano namin. Viking's get ready! Until next time. See you!!!

1 comment:

  1. Hi Claire! Natawa ako sa post mo. At ang dami ko gusto sabihin.

    First - Do you live somewhere near SM Marikina? Ako kasi taga Marikina ako at kahit less than one hour eh naikot mo na ang SM Marikina, eh love ko yung SM Marikina. Wala lang, Iba ang vibe ng Sm dun compared to other SMs.

    2nd - You shared almost the same birthday with my Dad.

    3rd - Napaisip ako, Lahat ng kinain ko sa Vikings... libre ahahahahah Sorry na.

    4th - In my opinion, sulit sa sulit na ang 700 plus sa Vikings. I saw buffets na sa hotel pa ha. Mas mahal pero ktnxbye sana nag vikings na lang tayo

    5th YUn sa ligawan ako natawa hahahahahahahahaha Hindi nga. Maingay kasi talaga besh

    At yung oyster, yung iba naman kasi kapag kumuha akala mo end of the weeerld na hahahaha

    Belated Happy Birthday nga pala :)

    ReplyDelete

Thank you for reading my blog and I love you for your comment!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...