Wednesday, March 28, 2018

Buhay Introvert


Introvert – sabi ng Merriam-Webster app na nasa phone ko,  (verb)it means to turn inward or in upon itself, (noun) a shy person: a quiet person who does not find it easy to talk to other people.

High school and college years, hindi ko alam yung word na introvert. Ngayon lang matanda nako na discover ko yan. Saktong sakto kasi noong bata pa ako mahiyain talaga ako. Pag may bisita sa bahay, hindi ako lalabas, nagtatago ako sa mga taong hindi ko kilala. Dala ko yan hanggang ngayon. Yes, hanggang ngayon!

But sympre things change as people grow. Nabawasan ang pagiging mahiyain ko. I can talk to strangers when asking for directions or information. Pero hindi parin madali sakin maki chika, or inititate conversations, or break the ice, or make instant friends. I don’t know why pero feeling ko uubusin lahat ang lakas ko pag nakipag usap ako sa strangers, lalo na kung crowd.

Isa sa mga reasons kung bakit ako nag MBA is to challenge my introversion.  For the last many years, pareho mga taong nakakasalamuha ko sa araw araw. Uhm medyo nagsasawa nako sa mga mukha nila, hahaha! Joklang!  Pero feel ko talaga ma challenge  sarili ko maka meet ng ibang faces. Yun lang, hesitant talaga ko lumapit sa strangers makipag usap. First day of school, luckily may dalawang friendly na millennial ang nag approach sakin habang inaantay ang pagbubukas ng classroom. Mababait sila and hopefully madagdagan pa ang mga friends ko sa school hanggang sa matapos ko tong course nato.

Sobrang hanga ko lang sa mga taong madaling makipag kaibigan ng instant. Yung ten minutes pa lang kayong nag uusap parang close sila agad. Samantalang ako, feeling ko ayaw ako lapitan ng mga tao. Mabait naman ako. Ayoko nga lang sa mga taong palautang, hahaha!

Teka, kaming mga introverts ay hindi anti-social. Iba yun. Hindi kami galit sa tao. Mas prefer lang namin na mag isa most of the time, pero may mga panahon na kelangan namin ng company.  Sympre we still need connection, just like normal beings.

Mahirap maging introvert. According to this group sa fb na nag joiners ako, Filipino Introverts Group kung tawagin, ay madalas sa hindi misunderstood ang mga introverts. Andyan yang mga accusations na walang pakisama, anti-social, galit sa tao, galit sa mundo, at kung ano ano pa. Grabe sila no?

Anyway, akala ko noon mawawala din ang pagiging introvert. In my case, matanda na ko introvert pa din. Tingnan ko pagdating ko ng 40+ balitaan ko kayo. Dyan lang kayo ha?! May intro ba dyan??




No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog and I love you for your comment!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...