Malapit na!!!! Konting tulog na lang, bakasyon na! Marami
nakong oras para matulog! Charott! That’s charott with a double T! Hahaha!
Excited and lola! Sino bang hindi ma eexcite, ilang araw
walang trabaho, pero may bayad! Tapos na rin ang school ko, akalain ko bang
naka 15 units natapos ko ng ganun lang!
33 units down to my MBA degree! Teka ano ba gagawin ko pagkatapos ko sa
MBA? Ay saka ko nayan iispin. Compre at thesis muna kahit malayo pa! Ahahahah!
Teka dapat kausap ko sarili ko, blog ko to! Ay hindi tama,
ang kausap ko kunyari dito ay yung best friend ko na nag iisang nagbabasa ng
blog ko!
Masaya lang ako kasi malapit na ang April. April fools day,
araw ng magiting, summer, mainit, halo halo, mais con yelo, saka ice candy!
Sugar rush! Kebs kung magalit na naman ang skin ko sa tamis! Ang hirap ng
sensitive skin, pati pala mga mahirap tinatablan nito. Kala ko pang mayaman
lang ang sensitive skin. Buti na maraming products na afford ng mga tulad kong
pobre with sensitive skin.
So sa darating na bakasyon, hindi naman talaga ako
magbabakasyon. Walang budget ang kagandahan ko at beach body ko. Sayang yung
mga two-piece bikini ko, pero dyan lang sila dahil magagamit ko rin sila. Mag
tu-tupiss ako habang naglalaba at naglilinis ng banyo.
Staycation goals:
1. 1. Tapusin i marathon lahat ng K drama na nakasave
sa hard drive ko. Pati narin lahat ng movies dun na hindi ko pa napanood.
2. 2. Mag de clutter. Dami ko pang kalat sa bahay. Na
inspire ako sa mga Japanese style of minimalism so I might as well incorporate
this in my personal life.
3. 3. Ano pa ba? Gumala? Ewan! Pero kung libre or mura
lang, sige gora sa gala. Pag may magyaya!
4. 4. Food trip! Bakit ito nasa number 4 dapat una to?
5. 5. Magbasa ng fiction. Dahil pahinga ang beauty ko
sa mga research sa school chenez samantalahin kong magbasa ng mga cheezy
romance at anything fiction. Need ko rin matuto mag speed reading.
6. 6. Wala na kong maisip. Tama na siguro yan.
7. 7. Sinabi ng tama na eh!
8. Sorry nag
o automatic kasi yung numbering eh (naka Word po kasi to) hihihi!
Sa totoo lang gusto kong magbabad sa tubig dagat suot ang
pinaka sexy kong swimsuit (nasa department store pa) habang ang malamig na simoy ng hangin
ay dumadampi sa aking balat. Mga alon na humahampas sa aking paanan, habang ako
ay naglalakad sa dalampasigan. Tatanawin ang bakas ng bawat yapak, habang binubura ng alon kasama ng aking mga pangarap...
Teka, bruha ka, wala kang budget pang dagat. Throwback na
lang muna, hahahaha!
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and I love you for your comment!