One day, tanghaling tapat, may nakita akong manong na nagtitinda ng fruits. Napukaw ng mangosteen ang atensyon ko at dun ko na realize, hindi pa pala ako nakakatikim nun. Bukod sa sinasabing bonggang health benefits, na curious ako sa tangkay nya na may flowery design:
From My Instagram account |
So nag google ako about mangosteen, sumakit ulo ko ang daming eklaver, tinigilan ko na. Kung paano sya kainin, simple lang, isusubo lang sa bibig. Kung may special technique ang pagkain nito hindi ko na inalam. Magandang doon na mismo habang kinakain ko ang pagtuklas. Parang discovery ek ek lang!
Photo above: ganyan ang hitsura ng laman. Bet ko yung color contrast ng white at maroon, ang artistic ng combination parang uniform ko noong high school (char, what do I know about art?) Pinsan ata sya ng santol, malaki ang resemblance nila pero nung kinain ko na softer ang laman nya, smaller at mas malambot din ang buto. Maugat din sya, siguro kung may prutas version ang balot, eto na yon....
Medyo mapait yung balat (yes tinikman ko)! At kung pipili ako between santol and mangosteen? Wala eh, pareho ko silang gusto. Magkaiba sila kahit magka mukha. Yung santol kasi challenging kainin. Yung pag naubos mo yung isang buo parang "achievement unlocked" ang feeling mo. Eto naman si Mang Gustin parang at home na at home ang feeling pag nasa bibig mo.
At yes, uulitin ko, sa tanda kong ito ngayon lang ako nakakain ng mangosteen!
:D
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and I love you for your comment!