Wednesday, February 20, 2013

Instagram Experience

When I won an Ipod Touch 4G from Palmolive's Facebook fan page, I was very ecstatic. Of course, that's a gadget! I never had a gadget all my life! I never bought one for myself because, first, I'm not a gadget person, second, mahal! There are cheap gadgets daw, but no thanks, di ko talaga hilig!

Thanks to that gadget, I was able to experience Instagram. I just went to anywhere there's wifi then, yun, picture picture galore na! Just want to share with you some of the photos I took.

Flowers na dinala ko dito sa office from our company anniversary celebration, yung mga flowers na dekorasyon sa mga tables, yan yun! Saka food, ang sarap picturan ng food kasi behaved sila habang pinipiktyuran mo, kaya laging maganda ang pictures nila.

Ito mga favorite ko sa lahat, yung nasa left, art exhibit sa SM Masinag, ang ganda diba? Gusto ko rin maging ganyan soon, hahaha! Tapos itong sa kanan, ang arte ko ba dyan? Ang feeling beauty ko ba? Ang sarap ko bang sabunutan? Nagmo model lang naman ako ng hikaw, bakit masama ba mag feeling pa minsan minsan, girl naman ako ah, yun ngang mga beki nag fi feeling maganda ako pa, sige na pumayag na kayo :)


And last but not the least, ito face ko, tuwang tuwa ako dyan kasi ang kinis ng face ko! Instagram lang pala ang makakapagpakinis ng aking face. If you notice di ko masyadong nilakihan yung pic, baka kasi mairita kayo sa face na yan, kaya niliitan ko tapos tinabi ko lang yung flower para di nakakaumay, okay ba? 

So there, kahit sandali lang na experience ko rin mag instagram. Ang jologs ko talaga! Thank you kung sino ka man na lumikha ng Instagram! Mwah!




No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog and I love you for your comment!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...