Warning: This post is going to be in Tagalog. I realized that while I've been trying so hard to write in English, I must also try it my own language for the love of my country and race! :) (teka bakit kelangang i-warning?)
Nung isang araw, medyo naka kwentuhan ko ang isang kakilala. Sa gitna ng aming chikahan, bigla na lang niyang naibulalas ang inis niya sa kanyang kapatid na walang trabaho at madalas nasa bahay lang. Ang kapatid niyang ito ay nakatapos ng vocational course na Computer something mga ilang taon na rin ang nakaraan. Naiinis daw siya sa kapatid niya dahil bukod sa tambay na ito, ay hindi pa tumutulong sa mga gawaing bahay. Naisip ko tuloy, ano bang ang pwedeng gawin ng isang tambay na kahit hindi sya tumutulong para magpasok ng salapi sa isang sangbahayan ay pwede pa rin siyang maging kapaki pakinabang at makatulong na mapagaan ang pamumuhay ng pamilya at iba pang tao sa kanyang kapaligiran.
Syempre, dahil wala ka pang trabaho habang nasa bahay ka ay ikaw muna ang gumawa ng mga gawaing bahay. Kung hindi ka marunong maglaba, magluto, maglinis ng bahay ay ito na ang pagkakataon para matutunan mo ang lahat ng iyan. Weh ano kung lalaki ka, hindi ka excused maliban na lang kung anak ka ng hari ng Brunei o datu ng tribo ninyo. Sigurado ako na matutuwa ang mga magulang mo o kung sino man sa mga kasama mo sa pamilya mo kung darating sila galing trabaho at nakita nila na wala na silang gagawin pa kundi kumain na lang at magpahinga dahil lahat ay tinapos mo na. Take note, dapat hindi ka na inuutusan at ikaw na ang laging magkukusa :)
Sikapin mo na makatulong na pababain ang bills ng kuryente, tubig, telepono o internet dahil hindi ka na nga nakakatulong sa pagbabayad ay pabigat ka pa! Ouch, masakit pero totoo yan! Pag mag isa ka lang sa bahay ay wag ka na gumagamit ng electric fan, tv, o kung ano ano pa, lalo na ngayon tag init sigurado mahal ang kuryente. Pag mainit, magpaypay ka na lang, maligo para ma preskohan (take note ulit magtipid din sa tubig ha) limitahan ang paggamit ng internet at panonood ng tv (please bawasan ang kaka facebook) at gamitin lang ito sa paghahanap ng trabaho o paglilinang ng iyong kaalaman.
At higit sa lahat, hindi rin masama kung makiisa ka sa mga gawain sa inyong komunidad. Maraming organisasyon dyan na naghahanap ng volunteers gaya ng mga charitable institutions na kumukupkop sa mga inabandonang bata o mga matatanda na pinabayaan ng kanilang pamilya. Wala man itong sahod pero at least may nagawa kang makabuluhan para sa mga nangangailangan. At kung di mo naman feel ang ganito dahil galit ka sa gobyerno, bakit hindi ka sa church maging aktibo? Sa aming church kahit sino ay pwedeng pumasok na "sacrifice" kung saan titira ka sa kapilya kasama ang pastor. Sa ganitong paraan ay marami kang bagay na matutuhan at higit sa lahat ay lalalim at hihigit ang pag-ibig mo sa Diyos.
Pang huli, kahit tambay ka lang ay huwag mong iisipin na wala kang kayamanan dahil nasa iyo ang isang bagay na wala sa mga busy at mayayamang tao. Iyan ay ang oras. Napakarami ang nagsasabi na wala silang oras para sa ganito at sa ganyan, pero ikaw nasa iyong ang lahat ng oras para gawin ang pinakamabuti at pinakamagaling na bagay na pwede mong gawin. Sasayangin mo ba ang kayamanan mong iyan? Mag desisyon ka, ngayon na!
yes! the truth! my mga activities nga po dito sa lugar namin and OCVAS para sa mga tambays, like seminars and how to's. So helpful! :D thanks for sharing!
ReplyDeletefrom Myxilog with love <3
Hi Lady_Myx, thank you so much for dropping by! :)
ReplyDelete