Friday, August 5, 2016

My Collections Make Me Happy, No Matter How Cheap They May Be!



Hi to all my readers (namely me, myself, and I)! I am so proud to blog about my precious collections, please look at the photo above, thank you!!! :D

Yes, as you can see, all these antique vases are from the Ming Dynasty, charr!!! Keychain po yan, baka lang di halata!!! Pero mahal ko sila na parang pet dog, they give me joy and happiness pag nakikita ko sila.

Actually, wala talaga kong balak mag collect ng ganyan. A long long time ago, college pako ng mag umpisa ako makatanggap ng keychains from friends na nagbabakasyon sa mga hometowns nila. Noong una hindi ko tinatago yung mga binibigay sakin. Ginagamit ko, pinamimigay ko o kung saan saan nilalagay.

One day, nakita ko may ilang piraso na kong naipon, so tinabi ko lang sa isang drawer until naipon. Tapos nung medyo dumami na natuwa ako kasi ang colorful at parang ang saya lang tingnan. So dun na nag umpisa. Tinatabi ko na at iniiipon hanggang sa naging collection.

I know right, they're cheap and all. But the fact na hindi ko sila hiningi pero naalala nila akong bilihan ng something habang nasa bakasyon sila is something na rin diba?? Labo ko ba? Anyway, thank you sa lahat ng mga nagbigay, napasaya nyo ako ng bongga! :)

Anyway, ang sarap lang sa feeling ng makaipon ka ng mga bagay na bigay sayo. Saka there's this happiness na hindi ko ma explain pag tinitingnan at hinahawakan ko sila. Someday when I have my own house na, I'll have a storage for this the nakikita ko sila palagi. And I'll be very proud to show this collection to anyone who visits my home..

Soon! :)

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog and I love you for your comment!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...