Tip # 1: Bring your bestfriend along wherever you go.
Isama mo ang best friend mo kahit saan. Mas memorable ang bawat sandali kapag kasama mo ang kahuthutang dila mo, lalo na pag magkamukha kayo, ang saya! Parang ganito:
Tip # 2: Climb a tree and make sure to have your picture taken.
Umakyat sa puno, kelangan may picture ka, proof na nakaakyat ka sa puno. Kahit puno ng aratiles okay na yun, gandahan na lang ang kuha para magmukhang andun ka sa mataas na part ng puno.
Tip # 3: A jump shot photo of yourself is a must. After ten years when you look at it, it will make you smile.
Huwag kang papayag na wala kang picture na jump shot, lalo na sa tabi ng dagat, parang ganito. Kung malayo ka naman sa dagat, pwede sa palayan, tabing ilog, o ilalim ng puno ng mangga na may bunga (tamang tama in season ang mangga).
Tip # 4: If you can't go to the beach, plant a tree anywhere possible.
Kung wala kang budget pang beach, pwede kang mag tree planting. Nakatulong ka na sa kalikasan, na exercise ka na, at na relax ka pa. Isa ka ng kapaki pakinabang na mamamayan ng ating bansa.
Tip # 5: If you want to go somewhere peaceful and quiet, there's always a cemetery nearby.
Siguradong tahimik at payapa ang sementeryo dahil malayo pa ang undas at lahat nasa bakasyon. Solo mo ang lugar, tamang tama para sa pagmumuni muni.
Tip # 6. If the cemetery is too creepy for you, go to the park instead.
Hindi mo feel ang sementeryo, so Luneta na lang ang choice mo. Presko ang hangin, maraming puno, magdala ka ng food, ayos na. Kelangan may shades ka para cool na cool ang dating mo parang ganyan sa picture. Isama mo buong pamilya mo at kunyari nasa Central Park kayo, dapat maganda outfit para sa picture taking ha :)
Chinese Garden at Luneta park. |
Tip # 7. You have all the right to eat those sweet summer food (during summer season only).
Mapa halo halo pa yan, o dirty ice cream man, samantalahin mo na ang panahon na magpakasawa sa mga sweets na love na love mo. Try mo kumain nito everyday for two months, for sure hindi ka na mag ke crave nito hanggang sa susunod ulit na summer.
Tip # 8. Last but not the least, after all the sun bathing, and all those outdoor activities, don't forget to pamper your skin.
Nag enjoy ka nga pero haggardo versoza naman ang skin mo, at for sure ayaw mong bumalik ng school or work na panget diba? So go ilabas mo na ang iyong mga diy na facial scrub at treatments for your precious skin.
So, there are my practical tips to enjoy the summer! Sana ay nawindang kayo. Until next summer!
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and I love you for your comment!