Monday, November 1, 2021

November One

 Two months na lang ang natitira sa 2021. Yes, tagalog blog muna this time para sobrang makatotohanan. Ang totoo mas mahirap maging happy simula pa nung March 2020. Totoo naman na sabi nila na happiness is a choice, pero madalas mahirap ma achieve maging happy sa mga nangyayari sa buhay natin. Hindi lang naman ako ang ganito. Marami tayo diba?

Etong 2021 maraming nawalan ng mahal sa buhay. I'm very grateful na wala sa aking malapit sa puso ang kinukuha pa ni Lord, pero nalulungkot ako na ang Facebook feed nating lahat parang obituary na sa kabi kabilang profile pic na itim at may kandila. Andaming nawala. (A minute of silence para sa kanilang lahat) Dahil dito mas lalo tuloy nadagdagan ang takot ng maraming tao, including me, tao.

Nakalimutan ko na ata mag blog. Kagabi lang hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa inis, at sa brown out. Kailangan kong bumawi ng tulog. Bukas papasok na naman sa trabaho. Thank you Lord may trabaho kami. Sana this year yung mga nawalan ng trabaho magka work na ulit. Ang tindi ng tama ng covid sa ating lahat. Kelan ba matatapos ito.

Hindi ako nag expect ng masaya at masaganang pasko at bagong taon, okay na ako na kasama kopa din ang mga mahal ko sa buhay at healthy sila, may trabaho kami at may bahay na natitirahan. Masaya at nagpapasalamat na ako doon. Hindi ko na iisiping ma achieve yung mga personal na pangarap ko, okay lang kahit anurin na sila sa kanal. I think yun naman talaga ang purpose ng buhay, makasama at maging mabuti ang buhay ng mga mahal natin sa buhay at mga tao na nakasama natin during our journey in life. Wala sa haba ng taon yung halaga ng buhay natin kung di sa impact na naiwan natin sa mga taong nakasama natin sa buhay...

okie, bye.


No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog and I love you for your comment!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...