Sunday, October 16, 2022

16.Oct.22

 Ma, bukas 40 days na since mawala ka. Araw araw para akong 4 seasons of emotion. May time na masaya, which is saglit lang, may time na okay okay lang, may time na sobrang lungkot which is mahaba haba, tapos mas mahaba yung oras na nag woworry ako about bagay bagay, specially future.

Yung time ang tirik ng araw, tapos biglang uulan, Ganern. Malapit na din mag one year simula ng mag umpisa ang lahat, 3 araw tayo sa Lakeview, simula nun hindi kana gumaling. 

 Ang lungkot kasi alam kong hindi na babalik sa dati yung buhay ko.

Madalas feel ko na wala na akong pag asa. 

Pero feeling ko magiging proud ka sakin. Kayang kaya kong i handle emotion ko, kala ng mga tao wala lang. Konti nga lang yung nangangamusta sakin kung okay pa ba ako. isa o dalawa. At yung pang mga tao na hindi mo inaasahan na naiisip ka pala. Yung mga taong akala mo totoong kaibigan, ni hindi na ako naalala.

Pero okay lang yun, hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila, busy din sila sa sarili nilang mga problema.


No comments:

Post a Comment

Thank you for reading my blog and I love you for your comment!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...