Top photos, using my very reliable Samsung Galaxy Tab S front camera, under flourescent lights (wala pong filter) , sa loob po kasi ng kwarto yan, wala po akong suot na CC cream, just a thin layer of Celeteque Moisturizer with SPF 15 lang po.
Photos below naman ay nakapaglagay na ako ng Quick FX CC cream, fresh na fresh pa yan, nilagyan ko lang ng Tiny Rice Buds Baby Powder on top para mabawasan ng oily effect na pag inipon ko pwede pang gasolina ng sasakyan. No lipstick and kilay and other make up effect din ang drama ko sa pictures below kaya maputla pa ako kaya po mukhang kakagaling ko lang sa Red Cross mag donate ng dugo.
Ang tanong? Kinaganda ko ba ang CC Cream na ito? Hindi ko rin masagot at nahihiwagahan pa rin ako sa totoo lang. Based on the photos, kayo na ang humusga! Pero seriously, naka brighten sya kahit paano ng fez ko. Kita din naman sa pics. Yun lang hindi long lasting ang effect nya, hulas na sya pagkalipas ng mga ilang oras. At di nya kayang itago ang mga pimple marks at bakas ng kalungkutan, gutom at kahirapan sa mga mata ko, hahaha!
The product:
Ang Qick FX CC Cream na ito ay mabibili sa Watsons sa murang halaga. Less than one hundred pesos, sorry ang shonga I forgot hehehe. Plans to repurchase? Uhm, sa ngayon wala. Medyo on the look pa ako ng AA to ZZ (pak kung meron nyan lahat) Cream na magpapa perfect ng almost (sa pangarap) perfect kong mukha...
PS: this is not a sponsored review. Wish ko lang! :)
No comments:
Post a Comment
Thank you for reading my blog and I love you for your comment!